Happy Birthday
Ribbons, little hearts, and a wall of birthday notes — soft, sweet, and entirely about you.

Happiest birthday, my love! Ikaw muna ang love ko ngayon kasi birthday mo tapos si Roel next HAHAHAHAHA. So ayon syempre tagalog tayo kasi anong silbi ni pa-major in Filipino natin noon kung mag eenglish ako 'di ba? Char. Gusto ko lang mag thank you kasi sa GPC ka nag enroll kasi what if hindi? Edi wala ako bff na mashekep! 🥹 Kidding aside pero thank you for being a kind & lovable friend sa amin nila Roel na kahit ilang siyudad yung pagitan natin hindi ka pa rin nagbabago parang nandito ka pa rin sa Japangasinan kasi palagi mong pinaparamdam yung strong connection natin bilang magkakaibigan. I just wanted to say din na sobrang proud ako sayo 🫵🏻 despite of what you're going through these past few months? Just by hearing every bit of your story alam kong mahirap 'yon but still you keep on going, smiling, pushing and showing up at sobrang proud na ako doon pa lang. Don't be too harsh on yourself par, alam ko may maganda kang kalalagyan (na para bang pinagbabantaan sha HAHAHAHA XD) kasi marami kang tiniis bilang isang anak na palaging umiintindi at bilang isang kaibigan na nagmamahal ng totoo sa amin. Mahal ka namin palagi tandaan mo 'yan. Kapag may times na 'di mo na kaya takasan mo muna, uwi ka sa amin pag uusapan natin 'yan. Thank you rin pala sa pakikinig ng mga rants ko sa buhay par na kahit pati sa mga crush ko kasama kitang nammroblema HAHAHAHAHA. Ang wish ko for you bukod sa yumaman tayong tatlo is sana yung palagi ka lang masaya, sa lahat ng bagay na gagawin mo sana masaya, malaya at kampante ka habang ginagawa yung mga 'yon kasi deserve mo 🥹✨ Ayon lang, mahal ka namin par lagi mo itatak sa isipan mo na nandito lang kami palagi for u at love ka namin. And one more gusto ko lang sabihin na for as long as we're alive you will always be safe & loved kahit mukha kaming kawatan ni Roel ❤️ Happy birthday ulit, par! Miss u bigtime! 😗🙌🏻
0 wishes — scroll, react, keep them.
Share the link — the wishes will roll in.